Nagsagawa ng dalawang araw na community outreach program at medical mission ang Cagayan Police Provincial Office (PPO) katuwang ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa Brgy. Centro East Allacapan at Nararagan Valley, Ballesteros, Cagayan nito lamang Mayo 28-29, 2022.
Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Cagayan PPO, Provincial Community Affairs and Development Unit, sa pamumuno ni PLtCol Emil Pajarillo at sa direktang pangangasiwa ni PCol Renell Sabaldica, Provincial Director, katuwang ang mga aktibong miyembro ng KKDAT sa pangunguna ni Ms. Angelika Lappay, Regional President.
Naging benepisyaryo nito ang 868 residente mula sa dalawang nabanggit na bayan sa isinagawang libreng medical at dental check-up, oplan tuli, psychological assistance ng Goblet of Heart Medical Team mula Quezon City at ng mga Pulis-Nurse ng Cagayan PPO.
Maliban dito, nagkaroon din ng feeding program, pamamahagi ng food packs at bigas, mga libreng gamot at bitamina, at parlor games para sa mga dumalo.
Naghandog din ng mga awitin ang Cagayano Cops band na nakadagdag saya sa makulay na aktibidad.
Samantala, ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ay nagbahagi rin ng lecture patungkol sa mga panlilinlang na ginagawa ng Komunistang CCP-NPA-NDF.
Pinuri at pinasalamatan naman ni Police Colonel Sabaldica, ang Goblet of Heart at KKDAT dahil sa kanilang suporta at tulong sa mga Cagayano Cops.
Dagdag din niya na ang Cagayano Cops ay maaasahang magsilsilbi ng tapat, sapat at nararapat at hinikayat ang publiko sa kanyang salitang “Nasaysayaat nu agkaykaysa tayo amin” o mas maganda kung tayong lahat ay magkaisa kung saan mga ngiti at mainit na pasasalamat naman ang isinukli ng mga naging benepisyaryo ng aktibidad.
Source: Cagayan PPO/RPCADU 2
###
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi