Bani, Pangasinan – Arestado ng Bani PNP ang Top 6 Most Wanted Person ng Provincial Level sa kasong 4 Counts of Rape sa kanilang isinagawang manhunt operation sa Brgy. Arwas, Bani, Pangasinan nitong Sabado, Mayo 28, 2022.
Kinilala ni Police Major Dennis Cabigat, Officer-in-Charge ng Bani Police Station ang suspek na si Resty Caacbay y Bugarin, 50, residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PMaj Cabigat, bandang 10:00 ng umaga nang maaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa pinagsanib pwersa ng Bani PS, Provincial Intelligence Unit–Pangasinan Police Provincial Office, at 1st Provincial Mobile Force Company.
Samantala, patuloy pa rin ang PNP sa pagtugis sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatili ang katahimikan at kaligtasan ng mamamayan.
Source: Bani Police Station
###
Panulat ni Patrolman Viljon Anthony Comilang