Zamboanga City – Arestado ang Top 5 Most Wanted Person (Municipal Level) sa isinagawang Manhunt Charlie ng Zamboanga PNP para kasong Rape nito lamang Sabado, Mayo 28, 2022.
Kinilala ni Police Major Julius Dao-An, Chief of Police ng Zamboanga City Police Station 3, ang naarestong suspek na si Richard Faustino Pedro, 44, may asawa at residente ng Campo Lourdes, Brgy. Dulian, Upper Bunguiao, Zamboanga City.
Ayon kay PMaj Dao-An, bandang 9:25 ng umaga nang naaresto si Pedro sa Sitio Duminatag, Brgy. Malayal, Sibuco, Zamboanga Del Norte ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Station 3 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong RA 8353 o Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
###
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9