Lucena City, Quezon – Tinatayang Php1,564,476 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek sa buy-bust operation ng Quezon PNP nito lamang Lunes, Mayo 30, 2022
Kinilala ni Police Colonel Joel Villanueva, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina Suzette Sumayang Parto, 29, residente ng Purok Maligaya, Brgy. 5, Lucena City at Alvin Pera Abellera, 28, residente ng Purok Talabis, Brgy. 5, Lucena City.
Ayon kay PCol Villanueva, bandang 2:30 ng hapon naaresto ang dalawang suspek sa Purok Maligaya Brgy. 5, Lucena City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Lucena City Police Station; Quezon Provincial Intelligence Unit; Provincial Drug Enforcement Unit-Quezon; Criminal Investigation and Detection Group-Quezon, Philippine Drug Enforcement Agency 4A-Quezon at Regional Intelligence Unit-Provincial Intelligence-Quezon.
Ayon pa kay PCol Villanueva, nakumpiska sa dalawang suspek ang humigit kumulang 76.69 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php1,564,476; isang Glock 17 Gen. 4 pistol 9mm (serial nr. AFP047629); dalawang piraso live ammunitions, isang pirasong body bag, isang pouch at perang ginamit bilang boodle money.
Ang dalawang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002); RA10591 (Comprehensive Firearms & Ammunition Regulation Act) at Omnibus Election Code.
Ang PNP CALABARZON sa pamumuno ni Police Brigadier General Antonio Yarra, Regional Director ay patuloy sa operasyon laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatili ang maayos at drug-free na komunidad.
Source: Quezon Police Provincial Office-PIO
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Elvis Arellano