Davao City – Arestado ang isang babae sa kasong large scale illegal recruitment ng mga tauhan ng PNP sa Buhangin Memorial Park, Davao City noong Mayo 27, 2022.
Kinilala ni PMaj Jake Goles, Station Commander ng Sta. Ana Police Station, ang suspek na si Maria Rica Olivar Regino, 45, residente ng Fatima YCF, San Antonio, Agdao, Davao City na tinaguriang Top 3 Most Wanted Person sa City Level.
Ayon kay PMaj Goles, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain sa kanya ng mga tauhan ng Sta. Ana PS katuwang ang Regional Special Operations Group (RSOG) sa kasong large scale illegal recruitment na walang inirekomendang piyansa.
Pinuri naman ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director ang nasabing operasyon dahil sa matagumpay na pagkakadakip ng isa sa mga most wanted person sa lungsod.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara