Aglipay, Quirino – Nagsagawa ng kauna-unahang Project L. I. G. H.T (Libreng Ilaw Galing sa puso Hatid ng Tropa) ang 1st Quirino Provincial Mobile Force Company sa Brgy. San Benigno, Aglipay, Quirino nito lamang Sabado ng umaga, May 28, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Eugenio Mallillin, Force Commander ng 1st Quirino PMFC kasama ang Company Advisory Group (CAG) sa katauhan ni Ms. Joan U Javier, Chairperson.
Ayon kay PLtCol Mallillin, ang proyekto ay mula sa nalikom sa isinagawang Fun Bike for a Cause ng 1st Quirino PMFC.
Anim na residente ng nasabing barangay ang mapalad na nabiyayaan ng mga solar lights.
Dahil dito, labis na tuwa at taos-pusong nagpapasalamat ang mga benepisyaryo ng mga solar lights sa PNP.
Layunin ng proyekto na magbigay liwanag sa tahanan ng bawat benepisyaryo.
Ito din ay alinsunod sa programa ng NTF-ELCAC na mapalapit ang mga pangunahing serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan ng Rehiyon Dos.
###
Panulat ni Police Corporal Jermae D Javier