Ambagiw, Besao – Nagsagawa ng Eye and Dental Outreach Program ang Mountain Province PNP katuwang ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Ambagiw Central School, Besao, Mountain Province nito lamang Biyernes, Mayo 27, 2022.
Ayon kay Police Colonel Ruben Andiso, Provincial Director ng Mountain Province Police Provincial Office, ang aktibidad ay pinangasiwaan ng kanyang butihing maybahay, Ginang Wendy Andiso kasama ang kanyang hipag na si Ginang Pacita Andiso.
Dagdag pa ni PCol Andiso, nasa kabuuang 70 katao ang kanilang naging benepisyaryo na nakatanggap ng libreng eye check-up at libreng bunot at linis ng ngipin.
Nagsagawa rin ng lecture ang mga kinatawan ng Besao Municipal Police Station hinggil sa COVID-19 prevention tips, roles of the children, anti-bullying at Executive Order 70.
Tuloy-tuloy ang pagbibigay serbisyo publiko ng Mountain Province PNP kasama ang iba’t ibang miyembro ng Advocacy Support Group upang makapagpaabot ng tulong at suporta lalo na sa atensyong medikal at pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.
Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1084360029092815&id=100025564852882
###
Panulat ni Patrolman Josua Reyes