Patikul, Sulu – Boluntaryong sumuko ang dating miyembro ng Abu Sayaff Group sa pamahalaan sa Brgy. Taglibi, Patikul, Sulu noong Mayo 27, 2022.
Kinilala ni PLt Abdil-Khan Ahadain, Officer-in-Charge, Patikul Municipal Police Station, ang sumuko na si alyas “Tex”, 50, na residente ng nasabing lugar.
Napadali ang kanyang pagsuko dahil sa tauhan ng Patikul Municipal Police Station, 41st Infantry Battalion, Philippine Army at MTF ELAC na pinangunahan ni Mayor Kabir Hayudini.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay isinuko din niya ang kanyang M16 rifle.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng 41st Infantry Division ang dating rebelde para sa pagsusuri at tamang disposisyon.
###
Panulat ni Patrolman John Mabborang