Zamboanga City – Tinatayang Php340,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isang suspek sa buy-bust operation ng Zamboanga PNP nito lamang Sabado, Mayo 28, 2022.
Kinilala ni Police Major Ramon Bautista Jr, Chief of Police ng Zamboanga City Police Station 4, ang naarestong suspek na si Omar Mahing y Mambon a.k.a “Oms”, 21, mangingisda at residente ng Brgy. Luukbungsod, Pilas Island, Lantawan, Basilan.
Ayon kay PMaj Bautista, bandang 5:28 ng hapon nang mahuli si Oms sa Josephine Silos Drive, Brgy. Cawa-Cawa, Zamboanga City sa pinagsanib pwersa ng Zamboanga City Police Station 4 at City Drugs Enforcement Unit 9.
Ayon pa kay PMaj Bautista, nakumpiska mula sa suspek ang isang pakete ng heat-sealed plastic na hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit kumulang 50 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php340,000; isang pirasong Php500 bill bilang marked money at 100 pirasong Php1,000 bill bilang boodle money at isang sling bag.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP ay patuloy na paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad para sa mas mapayapa at ligtas na komunidad.
###
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9