Saturday, November 9, 2024

Php6.8M halaga ng shabu, nasabat sa PNP-PDEA buy-bust sa Cotabato City

Cotabato City – Tinatayang Php6,800,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation ng PNP at PDEA sa Nayon Shant, Rosary Heights 3, Cotabato City nitong Mayo 28, 2022.

Kinilala ni Police Brigadier General Arthur Cabalona, Regional Director, PRO BAR, ang suspek na nakatakas na si alyas “Arson”.

Ayon kay PBGen Cabalona, nang makabili ang nagpanggap na poseur buyer at nang aarestuhin na ang suspek ay agad itong nakatakas patungo sa hindi malamang direksyon.

Dagdag pa nito, nagkaroon ng habulan hanggang sa tuluyan ng makatakas ang suspek.

Narekober sa pinangyarihan ang isang heat-sealed transparent plastic bag na may lamang hinihinalang shabu na nakapaloob sa dilaw na plastic cellophane na may label na Guanyinwang na may mga Chinese Character at tinatayang may timbang na isang kilo na nagkakahalaga ng Php6,800,000 at isang itim na sling bag.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa suspek na nananatiling nagtatago pa sa batas.

Samantala, ang patuloy na operasyon ng PNP kontra ilegal na droga ay mas lalo pang papaigtingin upang makamit ang isang ligtas, payapa at malinis na pamayanan.

###

Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles