Siniloan, Laguna – Tinatayang 1,012,500 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang suspek sa buy-bust operation ng Siniloan PNP nito lamang Biyernes, Mayo 27, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Cecilio Ison Jr., Provincial Director ng Laguna PPO, ang naaresto na si Ronald Allan Cruz Flores alyas “Ompong”, 51, walang trabaho, residente ng Brgy. Macatad, Siniloan, Laguna.
Ayon kay PCol Ison, bandang 6:26 ng gabi naaresto ang suspek sa naturang barangay sa isinagawang buy-bust operation ng Siniloan Municipal Police Station.
Ayon pa kay PCol Ison, nakumpiska sa suspek ang kulay asul na sling bag na may laman na 11 plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 150 gramo na nagkakahalaga ng Php 1,012,500 at dalawang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang marked money.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“We will continue to rally against illegal drugs both in our operations and in our information campaigns to raise awareness about the harmful effects of illegal drugs on the youth and to a large extent, on society.” ani PBGen Yarra.
Source: Laguna Police Provincial Office-PIO
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon