Aabot sa 150 kabataan ang nakatanggap ng school supplies and health kits sa pag-arangkada ng Mobile School sa Sitio Kawayanan Fastract ng Barangay Moonwalk, Parañaque City.
Nagsagawa ng lecture ang mga kapulisan kung saan tinuruan ang mga kabataan ng mga aralin na maaari nilang maging gabay. Gayundin, namigay ng Information, Education, and Communication (IEC) materials upang magbigay-kaalaman sa mga kabataan hinggil sa COVID-19 protocols.
Bukod dito, namahagi din ng 300 lugaw at tinapay sa mga dumalong kabataan.
Nanguna sa naturang programa ang Parañaque City Police Station sa pamumununo ni PCol Maximo Frial Sebastian Jr katuwang ang mga miyembro ng Unified Force Multipliers.
Ang Parañaqueños Mobile School ay sa ilalim ng programang Serbisyong TAMA ni PMGen Vicente Danao, Jr. Isinasagawa ito sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City na naglalayong matulungan ang mga kapus-palad na mga kabataan sa lungsod.
#####
Article by Police Corporal Josephine T Blanche