Catanduanes – Patay ang isang babae matapos pagbabarilin ng mga hindi nakikilalang suspek ng riding in tandem sa Virac, Catanduanes nitong Martes, Mayo 24, 2022.
Kinilala ni Police Major Robert Kevin Caparroso, Chief of Police ng Virac Municipal Police Station, ang biktima na si Carmel Eubra, 43, walang asawa, at nagtatrabaho bilang Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Officer ng Viga, Catanduanes.
Ayon kay PMaj Caparroso, bandang 5:20 ng hapon ng makatanggap sila ng tawag mula sa concerned citizen na may nangyaring pamamaril sa Oceanview Subd, Brgy. San Isidro Village, Virac, Catanduanes.
Ayon sa paunang imbestigasyon, pinaputukan ng dalawang beses ng riding in tandem ang biktima habang minamaneho ang kanyang sasakyan papasok sa subdivision. Itoāy base na rin sa tama ng bala sa sasakyan at basyong nakuha sa pinangyarihan ng insidente.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang insidente.
Panawagan ng mga otoridad ang pakikipagtulungan ng publiko para sa agarang ikadarakip ng hindi pa nakikilalang mga salarin.
Source: Virac MPS
###
Panulat ni PCpl Shiear āKyeā Velasquez-Ignacio