Caloocan City — Nasabat ang tinatayang Php136,000 na halaga ng shabu sa apat na suspek sa PNP buy-bust operation nito lamang madaling araw ng Huwebes, May 26, 2022.
Kinilala ni Northern Police District Director, Police Brigadier General Ulysses Cruz, ang mga suspek na sina Jerson Roque alyas, “Jerson”, 24, residente ng Julian Felipe St., Brgy. 8; Richard Tapit y Aldea, alyas “Chad”, 33, residente ng Orchid St., Brgy. Dagat; Ronnie Alterado y Horie, alyas “Ronnie”, 52, residente ng 3rd Ave, Maligaya Compound, Barangay 120; at Carmelita Pagulayan y Suba, alyas “Che-che”, 41 at residente ng 3rd Ave., Maligaya Compound, Barangay 118, na pawang mga taga- Caloocan City.
Ayon kay PBGen Cruz, nadakip ang mga suspek bandang 3:30 ng madaling araw sa Julian Felipe St., Gensan Basketball Court, Barangay 8, Lungsod ng Caloocan ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng NPD.
Nakumpiska sa kanila ang limang pirasong medium size na heat-sealed transparent plastic sachet na pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 20 gramo at nagkakahalaga ng Php136,000; at isang genuine na Php500 na may kasamang walong pirasong limang daang piso na boodle money na ginamit sa operasyon.
Sinampahan ang suspek ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ni PBGen Cruz na walang lusot sa kanilang hanay ang sinumang sangkot sa ipinagbabawal na gamot.
Source: NPD PIO
###