Zamboanga City – Arestado ang isang suspek dahil sa kasong Rape sa ikinasang operasyon ng Zamboanga PNP nito lamang Martes, Mayo 24, 2022.
Kinilala ni Police Major Ramon Aquiatan Jr, ang akusado na si Mark Anthony Intay Salazar, 25, walang trabaho, at residente ng Zone 7A Brgy. Zambowood, Zamboanga City.
Ayon kay PMaj Aquiatan, nadakip si Salazar bandang 5:30 ng umaga sa Zone 7A, Zambowood, Zamboanga City, dahil sa sumbong ng kaibigan ng biktima sa panghahalay nito kay Jaysalyn Palasanga y Balan,13, menor-de-edad at residente ng Canelar Moret, Zamboanga City.
Banggit ng biktima na inaya ng suspek ang magkaibigan ng inuman at ng malasing na ang biktima ay ginawa na ang motibong panggagahasa.
Ayon pa kay PMaj Aquiatan, agad na naaresto ang suspek ng mga barangay tanod na nagpapatrolya malapit sa pinangyarihan at dinala sa Zamboanga City Police Station 5 at pormal na sinampahan ng kaso.
###
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9