Rizal, Occidental Mindoro – Arestado ang isang Wanted Person ng Rizal Municipal Police Station sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-Gambling Law) sa Barangay Malawaan, Rizal, Occidental Mindoro nito lamang Martes, Mayo 24, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Simeon Gane Jr, Provincial Director ng Occidental Mindoro Police Provincial Office ang suspek na si Cezar Umapas Petina Jr, 43, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa pulisya naaresto ang suspek bandang 10:15 ng umaga ng Rizal Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa PD 1602 na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php24,000.
Ito ang resulta ng direktiba ni PCol Gane Jr., sa kampanya laban sa kriminalidad sa buong lalawigan.
Source: Occidental Mindoro Police Provincial Office
###
Panulat ni Patrolman Jorge Michael C Bardiago