Urdaneta City, Pangasinan – Arestado ng Urdaneta PNP ang Top 10 Most Wanted Person ng Provincial Level sa kasong Rape with Frustrated Homicide sa Brgy. Tulong, Urdaneta City, Pangasinan nito lamang Huwebes, Mayo 26, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Benson Pimentel, Officer-in-Charge ng Urdaneta City Police Station, ang suspek na si Mark John Casipit y Jacob alyas “John-John”, 24, residente ng Brgy. Tulong, Urdaneta City, Pangasinan.
Ayon kay PLtCol Pimentel, naaresto ang suspek bandang 8:00 ng gabi sa bisa ng Warrant of Arrest ng mga tauhan ng Urdaneta PNP sa nasabing lugar.
Dahil na rin sa pakikipagtulungan at pakikiisa ng mamamayan naging matagumpay ang operasyon ng Urdaneta PNP laban sa mga taong may pananagutan sa batas.
Source: Urdaneta City Police Station
###
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan