Sorsogon – Nagsagawa ng Pulisteniks, Costal Clean-Up Drive at Mangrove Planting ang Sorsogon PNP sa Agoho Forest Reserve, Gubat, Sorsogon nitong Sabado ng umaga, Mayo 21, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Arturo P Brual Jr., Provincial Director ng Sorsogon Police Provincial Office, kasama ang Sorsogon PPO Command Group at Staff na hindi na pinalampas ang pagkakataon na makapagpulisteniks sa pamamagitan ng pagtakbo at pagsayaw (Zumba) sa baybayin ng Agoho Forest Reserve at pagkatapos nito ay nagkaroon din ng Coastal Clean Up Drive at Mangrove Planting.
Sa saliw ng iba’t ibang musika ay lubos na kasiyahan ang nadama ng bawat miyembro sa pagkakataong makapagsayaw malapit sa natural na kalikasan.
Bakas sa mukha ng bawat isa ang ngiti ng pasasalamat sa mga biyayang ibinigay ng Diyos, malakas na pangangatawan, tatag at tibay ng kaisipan at paniniwala sa kabutihan.
Ang tatak Pulis Kasanggayahan bilang laging maaasahan ay papanatilihin ang kabutihan at mas lalong pagtitibayin ang samahan.
Source: Sorsogon PPO
###
Panulat ni Patrolman Jomar Danao