Davao City – Arestado ang isang babae sa isinagawang Manhunt Charlie operation ng Ecoland Police Station 15 sa Pandango Street, Lanzona Subdivision, Matina Aplaya, Davao City, noong Mayo 23, 2022.
Kinilala ni PMaj Rosario Aguilar, Station Commander ng nasabing istasyon, ang suspek na si Mary Grace Sucuaje Mangubat, 26, residente ng Seaside 2 Matina Aplaya, Davao City.
Ayon kay PMaj Aguilar, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain sa kanya sa kasong paglabag sa Republic Act 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 at may inirekomendang piyansa na Php70,000.
Samantala, hindi naman titigil ang isinasagawang Manhunt Charlie operation ng Police Regional Office 11 hangga’t may mga wanted person pang hindi nadadakip sa Rehiyong Onse upang maging ligtas ang mga mamamayan sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., Regional Director.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara