Mandaue City, Cebu – Nakumpiska ang tinatayang Php6,942,800 halaga ng pinapaniwalaang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Mandaue City PNP nito lamang Sabado, Mayo 21, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Roque Eduardo Vega, Regional Director ng Police Regional Office 7 ang suspek na si James Ryan Bayabos Llaguno, 37, residente ng Purok 3, Brgy. Cubacub, Mandaue City.
Ayon kay PBGen Vega, naaresto si Llaguno bandang 8:45 ng gabi sa Purok 3, Brgy. Cubacub, Mandaue City ng mga operatiba ng Police Station 6, Mandaue City Police Office.
Ayon pa kay PBGen Vega, nakumpiska mula sa suspek ang 5 heat-sealed large packed ng hinihinalang shabu na may bigat na 1,021 gramo na may tinatayang halaga na Php6,942,800, at buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang patuloy na operasyon ng PNP kontra ilegal na droga ay mas lalo pang papaigtingin upang makamit ang isang ligtas, payapa at malinis na pamayanan.
###
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio