Barili, Cebu – Naaresto ng mga otoridad ang isang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Sta. Ana, Barili nito lamang Lunes, Mayo 23, 2022.
Kinilala ni Police Major Felicismo Aranas Jr, Acting Chief of Police ng Barili Municipal Police Station ang naarestong suspek na si Oliver Sacindoncillo Montayre, 21, residente ng Brgy. Sta. Ana, Barili.
Ayon kay PMaj Aranas, si Montayre ay nahuli ng mga operatiba ng Barili MPS na pinangunahan ni PLt Jerry Magsayo at sa pakikipag-ugnayan sa PDEA 7.
Ayon pa kay Police Major Aranas, si Montayre ay kabilang sa listahan ng Street Level Drug Pusher sa lungsod.
Dagdag pa Police Major Aranas, sa kabila ng patuloy na kampanya at operasyon ng pulisya laban sa ilegal na droga, ang akusado ay patuloy pa rin sa pagbebenta ng mga ilegal na droga.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak naman ng hanay ng PNP na hindi sila hihinto sa kanilang mga hakbangin upang mapagtagumpayan ang kampanya laban sa ilegal na droga at tuluyang maging drug free ang naturang lungsod maging ang buong rehiyon.
###