Thursday, December 26, 2024

Higit Php290K halaga ng marijuana, shabu nakumpiska sa magkahiwalay na buy-bust ng QCPD; 8 nasakote

Quezon City — Tinatayang Php290,200 halaga ng umano’y shabu at marijuana ang nakumpiska sa walong suspek sa magkahiwalay na buy-bust ng Quezon City Police District nitong magkasunod na araw ng Lunes at Martes, May 23 at 24, 2022.

Ayon kay QCPD Director, Police Brigadier General Remus Medina, bandang alas-4:17 ng umaga, May 24 ngayong taon, nahuli ang tatlong suspek sa Bayani St., corner Batanes St., Brgy. San Isidro, Quezon City na kinilalang sina Aldrin Gacayan, 27; Jomer Espejo, 26; na parehong nakatira sa Sampaloc, Manila; at si Tyron Yap, 21, residente ng Brgy. Sta. Teresita, Quezon City.

Nakumpiska ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa mga suspek ang humigit-kumulang 1,285 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng Php154,200; isang Red Eco Bag; isang Brown ziplock envelop; buy-bust money, at cellphone na ginamit sa transaksyon.

Arestado rin ang limang suspek dakong alas-11:40 ng gabi ng Mayo 23 sa Purok II Certeza Compound, Brgy. Culiat, Quezon City kung saan 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php136,000 ang nakumpiska.

Kinilala ni PBGen Medina ang lima na sina Harry Hernandez, 23, nakatira sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City; Ansary Macapintal, 45; Habashi Abdullah, 27; Lailanie Abdullah, 25; at si Jocelyn Sale, 43, pawang residente naman ng Brgy. Culiat, Quezon City.

Nasamsam din sa kanila ang isang black coin purse at ang buy-bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Ang mga operasyon kontra ilegal na droga ay patuloy naming paiigtingin at lalo itong palalawakin dahil hangad natin na ang ating lungsod ay maging isang drug-free City”, ani PBGen Medina.

Source: PIO QCPD

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles