Sunday, September 22, 2024

2,814 miyembro ng MILF at MNLF, kumuha ng libreng Review para sa NSQEE

Parang, Maguindanao – 2,814 miyembro ng MILF at MNLF ang kumuha ng 2nd Batch ng libreng pagsusuri ng NAPOLCOM Special Qualifying Eligibility Exam (NSQEE) na naka-schedule noong Mayo 20-23, 2022, kasunod sa matagumpay na pagsasagawa ng 1st batch na ginanap noong Mayo 17-20, 2022 na may 3,012 mga kalahok.

Ang NAPOLCOM Resolution No. 2022-0081, na may petsang Pebrero 8, 2022, ay nag-utos ng pagsasagawa ng NSQEE para sa mga kwalipikadong miyembro ng MILF at MNLF. Ito ay alinsunod sa pagsasakatuparan ng probisyon sa Bangsamoro Organic Law (BOL), na nagpapahintulot sa mga miyembro ng MILF at MNLF na maging miyembro ng Philippine National Police.

Sa ilalim ng Resolution na ito, ang appointment ay maaari lamang gamitin para sa ranggo ng Patrolman/Patrolwoman sa isang Temporary Appointment at hindi maaaring gamitin bilang permanenteng appointment o sa anumang promosyon at hindi maaaring gamitin para sa iba pang mga posisyon sa Civil Service.

Ang Gobyerno ng Bangsamoro na pinamumunuan ni Punong Ministro Ahod Ebrahim, ang nag-sponsor ng Libreng Pagsusuri upang sanayin ang mga kalahok na mapahusay ang kanilang kaalaman at sagutin nang may kumpiyansa ang mga tanong na ibinigay ng NAPOLCOM.

Dagdag pa, ang mga kalahok mula sa Basilan ay maaari ring maka-avail ng libreng pagsusuri sa Mayo 22-25, 2022 sa Lamitan, Basilan habang ang mga kalahok sa Sulu ay maaaring dumalo sa pagsusuri sa Mayo 23-25 na gaganapin sa MSU Sulu. Ang parehong aktibidad ay matagumpay na naisagawa sa Tawi-Tawi noong Mayo 18-20, 2022.

Samantala, 11,000 aplikante ang inaasahang kukuha ng pagsusulit sa Mayo 29, 2022, habang 5,060 lamang ang matagumpay na kwalipikadong aplikante ang nakatakdang maging bahagi at maging miyembro ng Pambansang Pulisya.

Ang PRO BAR, kasama ang PNP Recruitment and Selection Service, ay determinado na magbigay ng suporta sa Bangsamoro Government at National Police Commission sa pagpapadali sa pagsasagawa ng NAPOLCOM Special Qualifying Eligibility Examination.

Gayundin, ang PRO BAR ay nangangako na tumulong at maghanda para sa pagpasok ng MILF at MNLF sa PNP Organization.

###

Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles