Saturday, September 21, 2024

Lalakeng nanutok ng baril arestado sa San Enrique, Neg Occ

San Enrique, Negros Occidental– Arestado ng San Enrique PNP ang isang lalake matapos manutok ng baril sa isang babae sa San Enrique, Negros Occidental nitong umaga ng Sabado, Mayo 21, 2022.

Kinilala ni Police Major Bonifacio Aral, Jr., Acting Chief of Police ng San Enrique Municipal Police Station, ang suspek na si Salvador Hirro y Piojo alyas Badong, 36, walang asawa at isang negosyante ng Barangay Tagda, Hinigaran, Negros Occidental.

Ayon kay Police Major Aral, habang nagpapatrolya ang kapulisan sa Pescadora St., Bangga Patyo, Brgy. Poblacion ng nasabing bayan, napansin nila ang isang babae na kinilalang si Lyka Arcillas y Estanislao, 26, walang asawa at residente ng Purok Gumamela, Brgy. Tibsoc na umiiyak. Doon napag-alaman ng San Enrique PNP na tinutukan ito ng baril ng isang lalake.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang kapulisan at nahuli ang suspek na hindi pa nakakalayo sa nasabing barangay.

Boluntaryo namang isinuko ng suspek ang kanyang .38 caliber revolver na may apat na live ammunition sa mga tauhan ng San Enrique MPS.

Samantala, nakumpiska rin sa suspek ang isang malaking transparent plastic sachet na may lamang dry marijuana leaves, walong piraso ng transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang gray smartphone, isang Kawasaki Bajaj CT 125 at iba pang mga drug paraphernalia.

Lumalabas din sa imbestigasyon na si Salvador Hirro ay isa sa mga High Value Target (HVT) ng Hinigaran Municipal Police Station.

Nahaharap ang suspek sa kasong Grave threat, paglabag ng RA 10591, COMELEC Resolution No. 10728 at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang San Enrique PNP ay patuloy na ipinapatupad ang kanilang tungkulin na panatilihin ang katahimikan at kaayusan sa kanilang nasasakupan, gayundin ang panagutin sa batas ang mga taong lumalabag sa batas.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles