Lapu-Lapu City, Cebu – Arestado ang Top 9 Most Wanted Person ng Lapu- Lapu City sa operasyon ng Cebu PNP sa Lapu-Lapu City nito lamang Sabado, Mayo 21, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ronan Claravall, Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 7 ang naaresto na isang 29 taong gulang na lalake at residente ng Brgy. Pajo, Lapu-Lapu City.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Claravall, bandang 8:00 ng umaga nang mahuli ang suspek sa Sitio Angasil, Brgy. Mactan, Lapu-Lapu City ng mga operatiba ng Regional Mobile Force Battalion 7 sa pakikipagtulungan ng City Mobile Force Company (CMFC); LCPO; Assistant Chief of Command Staff for Intelligence, Air Mobility Command (C2, AMC, PAF); Office of the Directorate for Intelligence, 205th Tactical Helicopter Wing (ODI, 205th THW); Police Station 2, LCPO; at CIDG Cebu PFU-7.
Ayon pa kay PLtCol Claravall, nasakote ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na may paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 na inisyu ni Hon. Joe Noel Codero Lawas, Presiding Judge of RTC Branch 84, 7th Judicial Region, Mandaue City.
Ang hanay ng PNP ay hindi kailanman mapapagod sa pagtupad ng kanilang mga mandato, maging sa pagkamit ng adhikaing magkaroon ng maayos at ligtas na bayan.
###