Mambusao, Capiz – Tagumpay ang isinagawang Barangay Symposium at Outreach Program ng mga tauhan ng 4th Maneuver Platoon ng 2nd Capiz Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Lieutenant Mark Gil S Osia, Platoon Leader, katuwang ang mga tauhan ng 2nd Platoon Delta Company 12th Infantry Battalion, Philippine Army sa Barangay Batiano, Mambusao, Capiz, nitong umaga, Mayo 21, 2022.
Ang nasabing programa ay alinsunod sa layunin ng pamahalaan na mas mapalapit pa sa mga mamamayan ang mga programa ng gobyerno tungo sa mas progresibo, tahimik at nagkakaisang komunidad.
Kabilang sa mga dumalo ang mga miyembro ng Barangay Council, Barangay Tanod, mga Barangay Health Workers at iba pang mga residente ng naturang barangay.
Kasama naman sa mga topiko na tinalakay ang mga hamon sa pagpapanatili ng kapayapaan sa nasabing lokalidad na masusing tinalakay ni TSgt Guillermo.
Samantala tinalakay naman ni Patrolman Von Makiv Umiten ang EO 70 NTF-ELCAC at E-CLIP na sinundan ni PLt Osia na tinalakay naman ang mga kampanya ng PNP laban sa ibat ibang uri ng krimen at ang Katarungang Pambarangay Law.
Nagsagawa rin ng demonstration sina Patrolman Jonathan Sequijor, Patrolman Arjen Luces at Patrolman Andrian Sebejano tungkol sa iba’t ibang arresting at handcuffing techniques para sa mga Barangay Tanod at Brgy. Official sakaling kinakailangan sa ngalan ng serbisyo publiko.
Lubos naman ang pasasalamat ni Brgy. Captain Eulalio Lamayo Jr. sa inisyatibo ng AFP at PNP sa walang humpay na suporta at sa patuloy na pagdadala ng mga programa ng pamahalaan sa kanilang barangay lalo na sa panahon ng pandemya.
###