Monday, November 25, 2024

Suspek sa pananaksak patay sa pagresponde ng Bauan PNP

San Pascual, Batangas – Patay ang isang suspek sa pananaksak matapos barilin ng rumespondeng pulis na nakatalaga sa Bauan Municipal Police Station nito lamang Sabado, Mayo 21, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Glicerio Cansilao, Provincial Director ng Batangas Police Provincial Office, ang suspek na si Rolly Axalan y Bulanhagui, 45, walang trabaho, residente ng Brgy. Ilat North, San Pascual, Batangas at ang biktima na Ambrocio Axalan y Matunog, 48, tricycle driver, at residente naman ng Brgy. Ilat North, San Pascual, Batangas.

Ayon kay PCol Cansilao, bandang 8:35 ng umaga nang papasok sa duty si Patrolman Jonathan Wee Bacroya, 26, nakatalaga sa Bauan Municipal Police Station habang naaktuhan na sinasaksak ng suspek ang biktima.

Dagdag pa ni PCol Cansilao, sinubukan pa ni Patrolman Bacroya na awatin at kumbinsihin na sumuko ang suspek ngunit patuloy pa rin nitong sinaksak ang biktima kung kaya napilitan na barilin ang nasabing suspek upang maisalba ang buhay ng biktima.

Naisugod pa ang suspek sa Bauan Doctors Hospital ngunit idineklara Dead-on-Arrival ayon sa attending physician na si Dra. Jenelyn Binay matapos magtamo ng tama ng baril sa kaliwang dibdib.

Samantala, ang biktima ay kasalukuyang ginagamot dahil sa tinamong mga sugat.

Narekober sa pinangyarihan ang isang unit ng Zigana Pistol Caliber 9mm,  isang magazine na naglalaman ng labing tatlo na live ammunitions, isang basyo ng Caliber 9mm na ginamit ng rumespondeng pulis at isang kitchen knife na ginamit ng suspek sa pananaksak.

Pinasalamatan naman ni Police Brigadier General Antonio Yarra, Regional Director 4A ang Batangas Police Provincial Office partikular kay Patrolman Bacroya sa pagkakaligtas sa biktima.

“Ang amin pong tungkulin bilang pulis ay hindi natatapos kahit po kami ay wala sa istasyon o sa kampo at tungkulin po namin ang pagsilbihan at protektahan ang bawat mamamayang Pilipino”, ani PBGen Yarra.

###

Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU 4A

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles