Monday, November 25, 2024

4 na lalaki arestado ng Cagayan PNP dahil sa iba’t ibang kaso

Gonzaga, Cagayan – Arestado ng Gonzaga Police Station ang apat na kalalakihan dahil sa iba’t ibang kaso sa Brgy. Smart, Gonzaga, Cagayan, nito lamang Linggo, Mayo 22, 2022.

Kinilala ni PCol Renell Sabaldica, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office ang mga suspek na sina alyas “Clinton”, 28; alyas “Bernard”, 21; alyas “Dave” 35; pawang mga residente ng Brgy. Pattao, Buguey, Cagayan at si alyas “Melandro”, 21, na residente naman ng Brgy. Tabbac, Gonzaga, Cagayan.

Ayon kay PCol Sabaldica, nakatanggap ng ulat ang Gonzaga PS na may kaguluhan na nangyari sa Brgy. Paradise kung saan may nagpaputok ng baril sa loob ng Capricorn KTV Bar sa lugar.

Dagdag pa ni PCol Sabaldica, kaagad na rumesponde ang mga tauhan ng nasabing istasyon sa pangunguna ni PMaj Gary Macadangdang, Chief of Police na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Melandro”.

Samantala, na-flag down at naaresto naman ang tatlong tumakas na suspek na lulan ng pulang Toyota Hilux sa Anti-Criminality at COMELEC checkpoint sa kaparehong barangay.

Narekober sa lugar ang 13 basyo ng hinihinalaang caliber 45 na siyang ginamit sa pagpapaputok. Nakuha rin sa pag-iingat nina alyas Clinton, Bernard at Dave ang isang caliber 45 Norinco kasama ang magazine nito na naglalaman ng 12 bala, isang walang lamang magazine, isang Armscor caliber 45, dalawang magazine na may pitong bala bawat isa, isang holster, isang kutsilyo na may scabbard, apat na mobile phones, dalawang wallet na naglalaman ng ID’s at mga dokumento, isang yunit ng Toyota Hilux, pera na nagkakahalaga ng Php19,100, at isang piraso ng black backpack.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to Omnibus Election Code (Gun Ban), Batas Pambansa Bilang 6 amending PD No.9 at Alarms and Scandals ang mga suspek.

Patuloy ang pagsusumikap ng Pambansang Pulisya upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas at paigtingin ang mga kampanya laban sa kriminalidad para mapanatili ang kaayusan ng komunidad.

Source: Gonzaga PS; Cagayan PPO

###

Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles