Parang, Maguindanao – Tinatayang nasa 5,000 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) ang inaasahang makikiisa sa review simula Mayo 17, 2022 bilang paghahanda sa NAPOLCOM Special Qualifying Eligibility Examination (NSQEE) na gaganapin sa Mayo 29, 2022 sa Regional Headquarters, Camp BGen Salipada, Parang, Maguindanao.
Pangungunahan ng mga tauhan ng PNP Recruitment Service (Camp Crame, National Headquarters) sa pamumuno ni Police Colonel Maria Leonora Camarao ang nasabing aktibidad.
Ang iskedyul ay nahahati sa dalawa: ang mga examiners ng COLAMAG (Cotabato, Lanao, at Maguindanao) ay nakatakda noong Mayo 17-20, 2022 para sa 1st batch at Mayo 21-24, 2022 para sa 2nd batch na parehong gaganapin sa Camp BGen Salipada, Parang, Maguindanao; habang ang mga examiners mula sa BASULTA (Basilan, Sulu, Tawi-Tawi) ay sa Mayo 23-27, 2022, inaalam pa ang venue.
Higit pa rito, may kabuuang 500 tauhan mula sa PRO BAR ang tutulong at magsasagawa ng mga lecture sa panahon ng review: 250 para sa COLAMAG at 250 din para sa BASULTA.
Ang nasabing mga lecturer na para sa COLAMAG ay sumailalim sa orientation noong Mayo 16, 2022.
Gayundin, ang mga puwersang panseguridad ng rehiyong ito na magse-secure ng oryentasyon at lugar ng pagsusuri ay nasa posisyon na.
Samantala, hinimok ng PRO BAR ang mga miyembro ng MILF at MNLF na kunin ang pagkakataong ito dahil malaking tulong ito sa kanilang paparating na pagsusulit.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz