Tinatayang Php68,000,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency 3, nito lamang Linggo, Mayo 22, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Diosdado Fabian, Acting City Director ng Angeles City Police Office ang isang suspek na nahuli na si Brenelyn Rinos Urgel.
Ayon kay PCol Fabian, ang apat na suspek na nakatakas ay di pa nakikilala.
Ayon pa kay PCol Fabian, naaresto si Urgel sa Unit G, BEG Apartment, Mt. View Subdivision, Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga ng pinagsanib na operatiba ng Police Regional Office 3, National Capital Region Police Office, at Philippine Drug Enforcement Agency.
Aniya pa ni PCol Fabian, nakumpiska mula sa suspek ang 10 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php68,000,000.
Dagdag pa ni PCol Fabian, narekober din ang iba’t ibang klase ng drug parapharnelia, sari-saring mga dokumento, buy-bust money at itim na Corolla Altis na may plate number ZBF 850.
Patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation para sa mga nakatakas na suspek.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy pa rin ang PNP sa kanilang mga ginagawang operasyon upang makamit ang isang malaya at mapayapang lugar na ligtas mula sa droga at kriminalidad.Â
###
Panulat ni Police Corporal Faith A Sangeles