Metro Manila — Umabot sa mahigit Php1.5 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa kanilang isinagawang Illegal Drug Operations nitong Biyernes, Mayo 20, 2022.
Ayon kay NCRPO Regional Director Police Major General Felipe Natividad, Regional Director ng NCRPO, naaresto ang isang High Value Target, bandang alas-5:00 ng hapon sa kahabaan ng Kenneth Road Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City sa buy-bust ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Pasig City Police Station.
Kinilala ni PBGen Natividad, ang suspek na si Mobina Baluno y Unotan alyas “Moby”, number 5 High Value Individual (HVI) ng NCRPO Drug Watch List.
Narekober kay Baluno ang 19 na heat-sealed transparent plastic sachet na hinihinalang shabu na humigit-kumulang 150 gramo ang bigat at tinatayang Php1,020,000 ang halaga.
Ayon pa kay PBGen Natividad, sa Manila Police District Police Stations 4 at 7 naman nahuli ang siyam na suspek kung saan nakumpiska sa kanila ang kabuuang 76 gramo na umano’y shabu at nagkakahalaga ito ng humigit-kumulang Php516,800.
Paglabag sa Seksyon 5 at 11, Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng mga suspek.
Pinuri ni PMGen Natividad ang walang patid na pagsisikap ng mga operating unit na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga drug suspects at pagkakakumpiska nila ng mga ipinagbabawal na gamot.
“Binabati ko ang ating mga kasama sa Pasig City Police Station, EPD at sa Manila Police District Stations 4 and 7 sa mahusay na pagtatrabaho na nagresulta sa pagkaaresto sa High Value Individual na ito at iba pang drug suspects gayundin ang pagkakumpiska sa mahigit isa’t kalahating milyong halaga ng ilegal na droga. Napakalaking kabawasan nito sa umiikot na supply sa merkado na sumisira sa buhay ng ating mga kababayan,” dagdag ni PMGen Natividad.
Source: NCRPO PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos