Caloocan City — Mahigit isang milyong halaga ng shabu ang nasabat sa isang menor de edad at sa kasama nitong nakatakas sa buy-bust operation ng Caloocan City Police Station nito lamang Biyernes, Mayo 20, 2022.
Ayon kay Police Colonel Samuel Mina Jr, Chief of Police ng Caloocan City Police Station, bandang 4:30 ng madaling araw, isinagawa ang operasyon sa 171 Malolos Street, Bagong Barrio, Barangay 153, Lungsod ng Caloocan ng mga operatiba sa Bagong Barrio Police Sub-Station 6 at 6th MFC RMFB- NCRPO.
Narekober ang walong transparent plastic sealed brick na naglalaman ng mga tuyong dahon na pinaniniwalaang marijuana at may bigat na walong kilo na tinatayang nagkakahalaga ng Php960,000; dalawang transparent vacuum sealed container na naglalaman ng high grade marijuana o kush na 28 gramo at nagkakahalaga naman ng Php67,200; isang sako bag; at isang pirasong Php1,000 na may kasamang siyam na Php1,000 na boodle money na ginamit sa operasyon.
Patuloy ang Northern Police District sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga na pinamumunuan ni District Director PBGen Ulysses Cruz.
Samantala, nagsagawa ng hot pursuit operation laban sa nakatakas na suspek.
Source: NPD-PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos