Davao del Norte – Tinatayang Php170,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isang indibidwal sa buy-bust operation ng PNP at PDEA, noong Mayo 21, 2022.
Kinilala ni PMaj Adelon Caacbay, Acting Chief of Police ng Panabo City Police Station, ang suspek na si Wene Badinas Lopez alias Ting, 34, residente ng nasabing lugar na tinaguriang Top 6 High Value Individual sa Regional Level.
Ayon kay PMaj Caacbay, naaresto ang suspek sa Prk. Marang, Brgy. Cagangohan, Panabo City, Davao del Norte ng pinagsamang tauhan ng Panabo CPS at RSOG-RPDEU 11 katuwang ang PDEA Davao del Norte.
Ayon pa kay PMaj Caacbay, nakuha mula sa suspek ang isang malaki at dalawang maliit na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 25.4 gramo at may street market value na Php170,000 at marked money na ginamit sa operasyon.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, hindi naman titigil ang Police Regional Office 11 sa kanilang ginagawang kampanya laban sa ilegal na droga hanggang maging drug free ang Rehiyong Onse sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara