Wednesday, November 27, 2024

2 Arestado habang 2 patay sa isinagawang operasyon kontra ilegal na droga sa Pigcawayan, Cotabato

Pigcawayan, Cotabato – Arestado ang dalawang indibidwal habang patay naman ang dalawang iba pa sa isinagawang operasyon kontra ilegal na droga ng mga tauhan ng Pigcawayan PNP sa Sitio Calumpangan, Brgy. Balacayon, Pigcawayan, Cotabato noong Mayo 18, 2022.

Kinilala ni PBGen Alexander Tagum, Regional Director ng Police Regional Office 12 ang mga suspek na sina Guiahed Toting Akmad at Ali Guilay.

Habang ang labi ng dalawang suspek ay nakilala na sina Ebrahim Samama at Alias ​​Mamako na nagsimulang paputukan ang mga operatiba na naghahain ng Warrant of Arrest na siya namang nagresulta sa kanilang pagkamatay.

Agad namang dinala sa istasyon ang dalawang drug suspect na naaresto at itinurn-over naman sa Brgy. Captain Dhids Samama ang mga labi ng dalawang namatay.

Ayon kay PBGen Tagum, narekober sa posesyon ng mga suspek ang dalawang unit ng cal .45, isang unit ng M14 rifle, dalawang unit ng M16 rifle, magazines, drug paraphernalia, at anim na pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang market value na Php204,000.

Ayon pa kay PGen Tagum, ang mga nakuhang ebidensya ay dinala sa PDEA 12 para sa laboratory examination at karagdagang imbestigasyon.

“Ang PRO 12 ay walang kapaguran na hahabol sa mga kriminal na patuloy na nagdudulot ng karahasan at terorismo sa ating lupain. Maging babala ito sa lahat – walang krimen ang hindi mapaparusahan,” babala ni PBGen Tagum.

Source: Police Regional Office 12- Public Information Office

###

Panulat ni Patrolwoman Sherie-ann Masi

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles