Thursday, November 28, 2024

6 na stranded sa baha, na-rescue ng Sudipen PNP

Sudipen, La Union – Nasagip ang anim na indibidwal na na-stranded sa baha sa isinagawang rescue operation ng Sudipen Municipal Police Station sa Brgy. Pula, Tagudin, Ilocos Sur, Huwebes ng gabi, Mayo 19, 2022.

Kinilala ni PMaj Rommel Ramos, Acting Chief of Police ng nasabing istasyon ang anim na sina Arvin Lustina, 30; Arjay Mostoles, 26; Kevin Marzan, 27; John Tyron Ventura, 20; Aldrich Spiritu, 19; at John Patrick Libao, 32 na pawang mga residente ng Brgy. Ipet, Sudipen, La Union.

Ayon kay PMaj Ramos, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen patungkol sa mga na-stranded na indibidwal sa gitnang bahagi ng Amburayan river na kanila namang agad na sinaklulohan.

Dagdag pa ni PMaj Ramos, nangunguha ng salagubang ang mga ito sa boundary ng Sudipen at Tagudin, Ilocos Sur nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya sila ay nahirapang umahon dahil na rin sa bilis at lakas ng agos ng ilog.

Sinuong ng rescue operation team ng Sudipen MPS katuwang ang Sudipen Bureau of Fire Protection (BFP) at Sudipen Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) ang malakas na ulan at lakas ng agos ng tubig ng Amburayan river upang hanapin ang anim na indibidwal na kanilang natagpuan ang mga ito sa Brgy. Pula, Tagudin, Ilocos Sur.

Gamit ang isang balsa ay matagumpay na nailigtas, naitawid, at inihatid ang anim sa kanilang pamilya.

Pinag-iingat at pinaalalahanan din ni PMaj Ramos ang mga residente na maging alerto at iwasang sumuong sa ilog lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Ang Pambansang Pulisya ay patuloy naman na magbibigay serbisyo lalo sa panahon ng kalamidad upang mailigtas ang buhay ng ating mga kababayan.

Source: Sudipen Municipal Police Station

###

Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles