Saturday, September 21, 2024

Patay na balyena, natagpuan sa Davao Occidental

Davao Occidental – Natagpuan ang isang patay na balyena sa dalampasigan ng Sitio Proper, Brgy. Sugal, Jose Abad Santos, Davao Occidental hapon ng Sabado, Mayo 21, 2022.

Bandang alas 4:20 ng hapon ng parehong araw ay sumugod ang mga tauhan ng Davao Occidental Police Provincial Office sa nasabing lugar upang suriin ang natagpuang patay na balyena kung saan ay kumalat na ang balita sa social media at mabilis na nakipag-ugnayan sa MENRO-JAS hinggil sa nasabing insidente.

Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng Davao Occidental PPO mula sa pakikipag-usap sa barangay kagawad ng lugar, lumabas na ang balyena ay natagpuang patay dakong alas-5 ng umaga sa dalampasigan.

Sa pagkakatuklas sa balyena na tinatayang nasa 45 hanggang 50 talampakan ang taas ay wala na itong buhay.

Ngayon ay pansamantala itong binabantayan ng mga opisyal ng barangay kasama ang mga tauhan ng MENRO-JAS sa pangunguna ni Mr. Rod Muda upang matukoy kung anong uri ng balyena ito at ang dahilan ng pagkamatay nito.

Hinihimok naman ng kapulisan ang publiko na maging mahinahon at alerto at ipaalam sa pulisya kung may mga katulad na insidente sa kanilang barangay.

###

Panulat ni Police Corporal Mary Metche Moraera

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles