Sa pamamagitan ng programang “Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan Towards National Recovery” ay naipaabot ang serbisyo ng pamahalaan sa ating mga kababayan sa Sapangbato Covered Court, Brgy. Sapangbato, Angeles City noong ika-19 ng Oktubre taong kasalukuyan.
Ginawang posible ang aktibidad na ito sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang ang Angeles City Police Office sa pangunguna ni PCol Rommel S Batangan, City Director, Local Government Unit ng Angeles na pinamumunuan ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., Highway Patrol Group, Angeles CPO Explosive and Canine Unit, TESDA, DILG, BFP, City Agriculture Office, City Health Office, CDRRMO, CSWD, CENR.
Ang mga ahensyang ito ay nagbigay ng iba’t ibang serbisyo sa mga residente sa nasabing lugar. Nagkaroon ng libreng gupit, Ronda Bakuna sa Barangay, inilapit din nila ang pagkuha at pag-apply ng National ID, Barangay Clearance at Police Clearance. Kasabay din nito ang pamimigay ng mga food packs, seedlings, at mga vitamins. Mayroon ding employment consultation para sa mga walang trabaho at gustong magkaroon ng trabaho.
Umabot naman sa 65 na pamilya ang nabigyan ng tulong ng nasabing aktibidad.
####
Article by Patrolman Michael John D Delos Santos