Saturday, November 23, 2024

Mas lalo pa nating hihigpitan ang paglilinis sa ating hanay

Sa ating tuloy-tuloy na paglilinis sa ating hanay, hindi kinukunsinte ng Pambansang Pulisya ang sinumang miyembro nito  na lumalabag sa batas at nasasangkot sa mga iligal na aktibidad. Ang lahat ng mga tiwaling pulis ay may kahaharaping kaso at kaparusahan na naayon sa due process.

Alinsabay ng ating paglilinis sa komunidad sa pamamagitan ng mas pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga, terorismo at kriminalidad ay istrikto at pinagbubuti rin natin ang paglilinis at pagsasaayos sa ating organisasyon.

Sa internal cleansing program ng ating hanay, mas lalo pa nating pinaiigtingin ang pagpapatupad nito. Mas lalo tayong magiging mahigpit, istrikto at epektibo sa pagbibigay- aksyon sa mga reklamo at kasong kinakaharap ng ating mga kasamahang pulis.

Sa pagtitiyak natin nang patuloy na reporma sa ating hanay upang mas maging transparent, accountable, at may kredibilidad na organisasyon, hindi tayo magsasawa na alisin sa serbisyo ang ating mga kasamahang pulis na sangkot sa iligal na aktibidad.

Simula noong Hunyo 2016 hanggang Mayo ng taong kasalukuyan, ayon sa tala ng PNP Directorate for Personnel and Records Management, mula sa 21,306 PNP personnel, 5,652 ang natanggal sa serbisyo; 1,150 ang na-demote sa ranggo; 10,650 ang nasuspende; 853 ang may kaparusahan na pagkakaalis ng sweldo. Nasa 2,491 naman ang pinagsabihan; 222 ang mahigpit na namamalagi sa mga quarters; at 288 ang tinanggalan ng mga pribilehiyo.

Samantala, mula sa 716 na sangkot sa kaso ng iligal na droga, 504 ang tanggal sa serbisyo dahil sila ay positibo sa paggamit nito, 10 ang Police Commissioned Officer (PCOs), 479 na Police Non-Commissioned Officer (PNCOs) at 15 na Non-Uniformed Personnel (NUP).

Nasa 183 naman na binubuo ng 11 PCOs, 171 PNCOs, at 1 NUP ang na-dismiss dahil sa pagkakasangkot sa iba pang drug-related cases. Ang lahat ng datos na ito ay sumasaklaw mula noong Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 12, 2021.

Samantala, mula Nobyembre 13, 2021 hanggang Mayo 4, 2022 ay 23 PNCOs ang tanggal sa serbisyo dahil sila ay positibo sa paggamit ng iligal na droga at 6 naman na PNCO ang na-dismiss dahil sa pagkakasangkot nila sa iba pang drug-related cases.

Ang mga datos na ito ay nagpapatunay na seryoso ang liderato ng PNP na itama ang lahat ng kamalian at parusahan ang dapat parusahan sa ating hanay dahil sa bandang huli, hindi lang ang PNP ang makikinabang dito kundi maging ang mamamayang Pilipino na ating pinagsisilbihan at pinoprotektahan.

Ipinahihiwatig din nito ang ating masidhing adhikain na maging isang mapagkakatiwalaan, may kredibilidad, at disiplinadong organisasyon  na magsisilbing ehemplo para sa lahat ng ating mga kasamahan at kababayan na hindi nagpapabaya ang PNP sa ating mga kasamahang pulis na naliligaw ng landas.

Patuloy na makakaasa ang taong bayan na hindi tayo magdadalawang isip na alisin sa serbisyo ang mga tiwaling pulis sapagkat ang tulad nila ay walang puwang sa ating organisasyon. Patuloy din nating patataasin ang disiplina at integridad ng buong pwersa, at lalo pa naming pagbubutihin ang pagbibigay ng serbisyo sa ating mga kababayan.

Mananatili ang inyong pulisya na pagganap sa aming tungkulin at magbibigay nang tama at tapat na serbisyo sa ating mga mamamayan.

Nakikiusap naman ako sa ating mga mamamayan na huwag matakot na idulog o isumbong sa atin ang anumang iligal na aktibidad na kinasasangkutan ng tiwaling mga pulis sa inyong lugar para mabilis natin itong maaksyunan.

xxx

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles