Wednesday, November 27, 2024

Protektahan ang mamamayan laban sa mga manliligalig

Ang pagsali sa eleksyon at pagboto ay karapatan ng bawat Pilipino. Ito ay isang sagradong tungkulin ng bawat isang mamamayan na dapat gampanan ng lahat ng Pilipino upang mailuklok sa kapangyarihan ang mga mamumuno sa ating bayan. Sa ganitong proseso, pantay ang karapatan ng mahirap at mayaman, ng mga maralita at nakaririwasa, ng malalakas at mahina. Ang Philippine National Police (PNP) ang naatasang pangalagaan ang mga karapatang ito at bantayan ang sambayanan laban sa mga manliligalig.

Malinaw ang misyong ito ng PNP sa mga kasapi ng 14-man team ng 407th PPMG. Upang mapangalagaan ang kapayapaan ng eleksyon at matiyak na magiging malinis ang resulta nito, aktibong tumupad sa kanilang tungkulin ang mga kasapi ng nasabing yunit. Sa kasamaang palad, nagbuwis ng buhay ang lima sa mga kasapi nito at anim sa kanila ang malubhang nasugatan upang mabantayan ang karapatan sa pagboto ng mamamayan.

Isang linggo bago sumapit ang May 14, 2007 election, nagsagawa ng road security operation ang team ng 407th PPMG bilang paghahanda sa isang nakatakdang miting de avance ng isang kandidato na humingi ng security assistance. Kasalukuyang binabagtas ng PNP patrol pick-up ang isang kalsada nang biglang yanigin ito ng pagsabog dahil sa isang landmine na itinanim ng mga manliligalig na NPA.

Tumaob ang sasakyan ng mga pulis. Mistulang papel na nilukot ang harapan ng patrol dahil sa impact ng pagsabog ng landmine. Sa kabila ng mga tinamong sugat at pinsala sa katawan, buong giting na gumanti ng putok ang mga pulis. Tumagal ng limang minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng mga kasapi ng 407th PPMG at mga NPA. Gaya ng dati, biglang nagpulasan paatras at tumakas ang mga NPA matapos mahinuhang mataas pa rin ang morale at hangaring lumaban ng mga pulis.

Sa pagkapawi ng usok ng pulbura, itinanghal sa bantayog ng kagitingan ng PNP ang mga bangkay nina PSSgt Leonardo Medilla, PCpl Nelson Barrientos, PCpl Gabriel Ordanes, PCpl Rommel Caleze at PCpl Alberto Hilario. Sugatang magigiting naman sina PSSgt Elmer Legayada, Pat Ronnie Rivera, PCpl Joel Viscarra, PSSgt Mario Barbosa, PCpl Villaflores at PCpl Alvarez. Suwerteng nakaligtas sa ambush ang tatlo pa nilang kasamahan.

Dahil sa malagim na pangyayari, lalong tumingkad sa mata ng mamamayan ng Mindoro ang marahas na mukha ng terorismo. “Bakit kailangang gawin ito ng mga NPA? Bakit kailangan nilang pumatay ng mga taong walang kasalanan?” Ang mga katanungang ito ang nanahan sa isip ng tahimik na mamamayan ng lalawigan. Ang paggamit ng landmine ay ipinagbabawal ng GENEVA Convention at ng Comprehensive Agreement on Human Rights and International Humanitarian Law (CAHRIHL). Bukod dito, pinag-ibayo rin ng NPA ang kanilang extortion activities kagaya ng Permit to Campaign at Permit to Win sa mga kandidato. Sa kabila ng karahasang inihahasik ng mga NPA sa mamamayan, tahimik namang nagluksa ang mga kaanak at kasamahan ng mga nasawing pulis. Sa bawat pagluha at hinagpis ng mga naulila, matimyas na ngiti naman ng pasasalamat ang pabaon ng sambayanan sa kanilang mga tagapagpatupad ng batas.

Paalam, mga tunay na Pulis Ng Pilipino!

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles