Makati City — Matagumpay na naisagawa ang Simultaneous Community Outreach at Livelihood program ng Southern Police District (SPD) sa Basketball Open Court, D. Gomez, St. Barangay Tejeros, Makati City nito lamang Huwebes, Mayo 19, 2022.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni SPD Director, PBGen Jimili Macaraeg, kasama ang mga tauhan ng DCADD-SPD, Makati CPS SCAS, Regional Mobile Force Battalion, at NICA.
Nakapamahagi sila ng food packs, packed meals, libreng gupit, livelihood program tulad ng rug at paper charcoal making, at ang pagtalakay tungkol sa NTF-ELCAC, anti-criminality, illegal drugs at terorismo.
May kabuuang 120 benepisyaryo sa food packs, packed meals, at bottled water, habang 100 bata naman ang nabigyan ng school shoes mula sa DCADD, SPD.
Ang mga benepisyaryo ay mula sa pitong Police Stations na may kabuuang 1,970 katao.
Ang SPD ay patuloy na palalakasin ang kanilang ugnayan sa komunidad upang magkaroon ng matatag na pakikiisa ang bawat isa.
Source: DCADD SPD
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos