Zamboanga City – Arestado ang isang guro sa isinagawang Manhunt Charlie ng Zamboanga PNP nito lamang Martes, Mayo 17, 2022.
Kinilala ni Police Major Ramon Aquiatan Jr, Chief of Police ng Zamboanga City Police Station 5, ang naarestong suspek na si Sharon Orcia y Pedro, 39, guro at residente ng Barangay Lunzuran, Zamboanga City.
Ayon kay PMaj Aquiatan, bandang 3:50 ng hapon ng naaresto si Orcia, sa Tumaga-Putik Road, Brgy. Tumaga, Zamboanga City ng mga operatiba ng Zamboanga Police Station 5 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Adultery.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng bawat mamamayan.Â
###
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9