Dipaculao, Aurora – Matagumpay ang isinagawang Duterte Legacy Caravan ng Dipaculao PNP sa Brgy. Salay, Dipaculao, Aurora nitong Huwebes, Mayo 19, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Eduardo Mendoza, Chief of Police ng Dipaculao Municipal Police Station kasama ang iba’t ibang sangay ng lokal na ahensya sa nasabing bayan.
Ayon kay PMaj Mendoza, labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa natanggap nilang relief goods, libreng pagkain at libreng gupit.
Dagdag pa ni PMaj Mendoza, ang Dipaculao MPS ay nagbigay kaalaman patungkol sa Executive Order No. 70 National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at pangangampanya laban sa ilegal na droga.
Ang pamahalaan sa pangunguna ng PNP ay patuloy sa pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga liblib o malalayong lugar.
Hinihikayat din ang mga mamamayan na patuloy na suportahan ang mga programa ng pamahalaan at PNP kabilang na ang kampanya laban sa ilegal na droga at insurhensya.
Source: Dipaculao MPS
###
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera