Tuguegarao City, Cagayan – Nagsagawa ng Post-Election Press Conference ang pamunuan ng Cagayan PNP sa Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang Miyerkules, Mayo 18, 2022.
Ayon kay Police Colonel Renell Sabaldica, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office, na inorganisa ng kanilang hanay ang Press Conference upang talakayin ang iba’t ibang isyu ukol sa naganap na 2022 National and Local Elections.
Ang aktibidad ay dinaluhan ni Police Brigadier General Romaldo Bayting, Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional Office 2, media practitioners ng probinsya ng Cagayan, Cagayan PPO Press Corps, at mga Cagayano Cops.
Iprinisinta ni PCol Sabaldica ang mga accomplishments ng Cagayan PPO kung saan sinabi niya na sa kabuuan ay maituturing na payapa ang nagdaang halalan at naging matagumpay ang ginawang preparasyon ng mga Cagayano Cops.
Sinabi din ni PCol Sabaldica na lahat ng mga sumbong sa kanilang tanggapan ay agad nilang bineripika at inaksyunan.
Nabigyan naman ng pagkakataon ang mga miyembro ng media na magtanong tungkol sa security coverage, mga naiulat na vote buying, crime situation sa probinsya, at mga plano ng Cagayano Cops.
Samantala, pinasalamatan ni PD Sabaldica ang mga mamamayan, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, simbahan, Advocacy Support Groups, at ang kapulisan ng Cagayan sa kanilang pakikipagtulungan at pakikiisa na siyang naging dahilan ng pagkakaroon ng payapang halalan.
Hiniling din niya ang patuloy na suporta at pakikiisa ng mga Cagayano sa lahat ng mga programa ng PNP sa lugar para sa isang maayos at ligtas na pamayanan.
Source: Cagayan PPO
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes