Davao del Sur – Agad na binawian ng buhay ang isang senior citizen matapos pagbabarilin sa Barangay Asbang Matanao, Davao del Sur, bandang alas 7:30 ng gabi, Mayo 18, 2022.
Kinilala ang biktima na si Totong Sanchez, 60, residente ng Sitio Bantong, Barangay Asbang, Matanao, Davao del Sur at ang suspek na si Fedy Limama Diagone, 51, na residente naman ng Purok 6, Barangay Asbang, Matanao sa naturang lalawigan.
Ayon sa imbestigasyon, nakatanggap ng report ang Revitalized-Pulis sa Barangay na may nangyaring pamamaril sa naturang lugar kung saan binaril ng suspek ang biktima gamit ang homemade 12-gauge shotgun na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.
Naaresto naman agad ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya na ng Matanao Municipal Police Station at nahaharap sa kasong Murder.
Pinaniniwalaang personal na away ang motibo ng insidente.
###
Panulat ni Police Corporal RC Ortenero