Bacolod City, Negros Occidental – Nakumpiska ang tinatayang Php428,000 halaga ng shabu sa isang suspek sa buy-bust operation ng Bacolod PNP nito lamang ika-19 ng Mayo, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Thomas Joseph Martir, City Director ng Bacolod City Police Office, ang suspek na si Eric Baldomero Mugdan alyas “Henar”, 48 at residente ng Purok Gabi, Brgy. 4, Bacolod City, Negros Occidental.
Ayon kay PCol Martir, naaresto si Mugdan sa nasabing lugar ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit ng Bacolod City Police Office.
Ayon pa kay PCol Martir, nakumpiska mula sa suspek ang labing tatlong plastic sachet at isang knot-tied plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 63 gramo na may Standard Drug Price na Php428,000 at buy-bust money na Php150 at isang pouch.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang pagpapaigting ng kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga sa lungsod at mapanagot ang mga masasamang loob na gumagawa ng gawaing ipinagbabawal ng batas.
###