Bislig City, Surigao del Sur – Kalaboso ang isang babaeng wanted sa kasong Child Abuse sa isinagawang Manhunt Charlie ng Bislig PNP nito lamang Miyerkules, Mayo 18, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Michael Lozada, Chief of Police ng Bislig City Police Station, ang nadakip na si Pinky Batay-an, 44 at residente ng Purok 1 St. Paul District, Mangagoy, Bislig City, Surigao del Sur.
Ayon kay PLtCol Lozada, bandang 1:45 ng hapon ng naaresto si Batay-an sa nasabing lugar sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Mariing kinokondena ng PNP ang anumang pang-aabuso sa mga menor-de-edad dahil malaki ang negatibong epekto nito sa kanilang personal na pamumuhay na maaaring makaapekto sa kaayusan at kapayapaan ng komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13