Occidental Mindoro – Sumuko ang apat na dating miyembro ng Milisyang Bayan sa PNP Regional Mobile Force Battalion MIMAROPA (RMFB 4B) sa Occidental Mindoro, noong Huwebes, Mayo 19, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Rolando Lampad, Regional Mobile Force Battalion 4B Commander ang mga sumuko na sina “Ka Ed”, 42; “Ka Noel, 66; “Ka Ading”, 63; at “Ka Patok”, 64, pawang mga residente ng San Jose, Occidental Mindoro.
Ayon pa kay PCol Lampad, si “Ka Ed”, “Ka Noel,” Ka Ading”, at “Ka Patok” ay boluntaryong sumuko sa mga tauhan ng 3rd Platoon, 405th B Maneuver Company Headquarters sa pangunguna ni Police Captain Khonevey Maske sa Sitio Zigzag, Brgy. Batasan, San Jose, Occidental Mindoro pagkatapos ng ilang buwan na negosasyon.
Nasa kustodiya na ngayon ng RMFB 4B ang nasabing mga dating Milisyang Bayan surrenderers para sa debriefing bago ang kanilang enrollment sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Sinabi naman ng Regional Director ng PRO MIMAROPA na si Police Brigadier General Sidney Hernia na ang matagumpay na pagsuko ay direktang resulta ng walang humpay na kampanya ng PNP kontra insurhensya, sa aktibong pakikipagtulungan ng Philippine Army, at iba pang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng NTF-ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict).
Binabati naman ni PBGen Hernia ang kanyang mga tauhan para sa kahanga-hangang tagumpay na ito. Umaasa ang pamahalaan na ito ay magdadala ng isang matunog na mensahe sa lahat ng iba pang miyembro ng CTG na sumuko na din at magbagong buhay.
Source – RPIO MIMAROPA
###
Panulat ni Patrolman Jorge Michael C Bardiago