Tuguegarao City, Cagayan – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga Cagayano Cops sa loob ng kampo ng Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang Huwebes, Mayo 19, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PCol Renell Sabaldica, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office.
Nakapagtanim ang mga kapulisan ng mahigit 200 na mga seedlings ng Mahogany at Calumpit sa nababahang bahagi sa likod ng kampo.
Ang aktibidad ay bilang pagsuporta sa I Love Cagayan River Movement ng Cagayan Provincial Government at alinsunod sa Clean and Green: CPPO Dream na inisyatibo naman ng Cagayan PPO.
Layunin nitong magkaisa ang lahat ng mga Cagayano Cops sa pagtatanim ng mga iba’t ibang punong-kahoy sa buong probinsya ng Cagayan upang maiwasan ang mabilis na pagbaha, pagguho ng lupa, pangharang sa malalakas na bagyo at global warming.
Sa kabuuan, umabot na ng 101,233 puno ang naitanim sa buong lalawigan mula nang maupo ang Hepe ng Cagayan PPO noong nakaraang taon.
Samantala, taos-puso rin ang pasasalamat ng Hepe sa Department of Environment and Natural Resources RO2, mga opisyal at miyembro ng National Coalition of Advocacy Support Group at Stakeholders sa patuloy na pagtulong at pagsuporta sa lahat ng aktibidad ng PNP katulad ng tree planting activity.
Source: Cagayan Police Provincial Office
###
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi