Sunday, November 24, 2024

Bayani ng bayan, tagapagtanggol ng mamamayan

Ang paglaban sa kriminalidad ay bahagi nang pang araw-araw na gawain ng mga pulis. Ganoon din ang paghahain ng Warrant of Arrest sa isang Wanted Person o pagsasagawa ng police operation sa pamamagitan ng search warrant. Ang mga Ito ay epektibong paraan upang mapigilan ang mga kriminal na maghasik nang karahasan at takot sa mamamayan. Nasasagkaan ang anumang masamang gawain ng mga salot ng lipunan kapag aktibo ang mga kasapi ng pulisya sa paghuli sa mga taong nagtatago sa batas.

Kaakibat ng mga operasyong ito, malapit din sa panganib ang ating mga pulis lalo na kapag may grupo at may malalakas na armas ang mga kriminal na elemento. Laging nakahanda ang bawat kasapi ng Philippine National Police (PNP) na mag-alay ng buhay sa pagtupad sa sinumpaang tungkulin na “To Serve and Protect”.

January 23, 2021, madaling araw ng Sabado nang magsagawa ang PNP ng operasyon laban sa Most Wanted Person na si dating Limbo Barangay Chairman Datu Pens Talusan sa Sultan Kudarat, Maguindanao. Kaugnay ito nang malawakang kampanya ng PNP noon sa ilalim ng pamumuno ni PGen Debold M Sinas na paigtingin ang kampanya laban sa mga salot na kriminal at mga wanted upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Batay sa ulat, ang mga pulis ay maghahain ng warrant of arrest kay Talusan nang paputukan sila ng mga kalalakihan na armado ng mga automatic rifles at matataas na kalibre ng baril. Dahil sa nakaambang panganib at banta sa kanilang buhay ay napilitang gumanti nang putok ang nga alagad ng batas na humantong sa maigting na sagupaan na tumagal nang ilang oras. Nang natapos na ang madugong engkuwentro, napatay sa labanan si Datu Pens Talusan kabilang ang labing isa (11) niyang kasamahan. Narekober din ng mga awtoridad ang matataas na kalibre ng baril ng grupo ni Talusan.

Gayunpaman, nabahiran nang kalungkutan ang tropa nang matagpuan nila ang wala nang buhay na katawan ni PSSgt Elenel A Pido na magiting na nakipaglaban sa mga kaaway ng batas.Nasugatan din sa engkuwentro ang ilan pang kasamahan ni PSSgt Pido na agad na dinala sa pagamutan. Minsan pa ay ipinamalas ng isang pulis ang tunay na kahulugan ng komitment at sakripisyo upang tumugon sa tawag ng tungkulin.

Bilang pagkilala sa katapangan at kagitingan ni PSSgt Elenel Pido, ginawaran siya ng PNP ng posthumous award na Medalya ng Kadakilaan.

PSSgt Pido, salamat sa iyong kabayanihang ipinamalas para sa kaligtasan ng mamamayan!

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles