Angono, Rizal – Matagumpay na isinagawa ang Livelihood Training Activity ng Angono PNP sa Doña Aurora Street, Brgy. Poblacion Ibaba, Angono, Rizal nitong Linggo, Mayo 15, 2022.
Pinamunuan ng Angono Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Master Sergeant Felicidad Alva II, Police Community Affairs and Development Officer katulong sina Patrolman Edward Mahusay at Patrolman Norodin Untong, na pawang mga nagtapos ng Technical Education and Skills Development Authority na may National Certificate Level II o NC II.
Ayon kay PSMS Alva, nakiisa at dumalo ang Kabayan Action Group Force Multiplier na tinuruan kung papano gumawa ng basahan mula sa recycled materials at liquid soap detergent.
Ayon pa kay PSMS Alva, layunin ng aktibidad na maibahagi ang kanilang kaalaman upang magamit sa pagsisimula ng negosyo na makakatulong sa pang araw-araw na gastusin.
Ang PNP ay patuloy na magsasagawa ng mga ganitong aktibidad upang makatulong sa pag-unlad at pag-asenso ng mamamayan sa komunidad.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon